Wednesday, June 15, 2011

"AIDA"


aida

isa kang binibini na
tapat kong magmahal
isa kang prinsesa na
nawala at ngayon
ay natagpuan

ang layo nang araw
ang gabi ay nandito na
ang unan ay basangbasa
punong puno na
naman nang luha

bakit ang bagyo
kong darating ay mabangis

bakit ang kidlat
ang sulyap ay napakasakit

bakit ang baha
tinatangay niya
ang lahat walang itinitira

bakit ang tadhana
ang ibinibigay sa iba
ay laging pagdurusa

dahil ba kaya sa pag-ibig
na tutuo ang buhay ay napuno
dahil ba sa pag-ibig hinahamak
kahit kamatayan makapiling
lamang ang sinisinta at kasuyo

pag-ibig bakit ka ganyan
kong minsan ang puso
ay nadudurog
di makatulog
dahil sa ikaw
ay napakalayong ligaya
na di namin kayang maabot...