Tuesday, June 14, 2011

sa bawat pagpatak nang ulan


kong ang init nang tag-araw
ay hindi mo na kayang tiisin
huwag kang mag-alala dahil may
tag-ulan pa naman na darating

madilim man ang kabihasnan
at maraming ulap na dumaraan
huwag matamlay dahil may kanta
kang maririnig na bigay nang tadhana

ang buhay natin ay talagang ganyan
may lubak na nadaraanan
pero pagkatapos naman
ay may panatag sa kalooban

dahil ang buhay natin ay isang gulong
na kong ngayon ikaw ay nasa sulong
bukas naman ay kakaiba dahil
ikaw ay tinitingala at sinasalubong

kong ikaw ngayon ay dinadaandaanan
lamang at hindi pinapansin
alam natin na ang Diyos
ay parating nakatingin sa atin

kaya huwag sanang papatak
ang iyong mga mahal na luha
dahil bukas ang araw ay sisilang pa naman
at ikaw ay... magiging masaya :)

negativity pushes us down while positivity lifts us up, my mantra...