Tuesday, July 21, 2009

pag-ibig na tunay :?

sa umaga isa kang larawan nang ligaya, nakangiti at nakakabighani
sa tanghali isa kang araw na napakasaya, mainit sa palad ko sa tuwina
sa gabi ay isa kang ibon na ang awit ay hindi lumilipas, kumukupas, o napapagod sa panghaharana :)

kong ako'y nalulungkot, ika'y isang komedyante, mahal na irog, laughs
kong ako'y lumuluha nandiyan ka at may panyo sa akin na laging inaabot
kong ako'y nasisiphayo, sa tabi ko'y hindi ka umaalis, ang mata mo sa akin ay laging nakapako, laughs

hinding, hindi kita makakalimutan, ikaw ay ligaya sa tag-init man o sa tag-ulan, laughs
hindi ako mabubuhay kong wala ka sa piling ko ako na rin ay mamamatay
lumipas man ang maraming bagyo sa buhay natin ay palaging tayo
dahil and pag-ibig natin ay tutuo, panghabang buhay, at hindi pagbabalatkayo :)

marami mang pagsubok na darating sa buhay natin at maraming manghihimasok
marami mang problema tayong dalawa ang haharap na magkatugma at magkabalikat
marami mang tukso diyan pero ikaw pa rin at ako ang magwawagi sa katapusan
dahil ang puso mo'y busilak, walang bahid nang sama, makadiyos at tutuong makakapwa

ang ngiti mo ay tutuo, makapuso at walang siphayo
ang boses mo ay isang anghel na dumuduyan sa akin sa magdamag kahit takipsilim
ang pag-ibig mo ay busilak walang pagkukunwari at hindi lang kukutikutitap
ang buhay ko'y laging masaya kong ika'y nandito sa tabi ko...sana'y ito ay wala nang wakas at panghabangbuhay :)

tsk! kahit papaano alam ko rin palang tumula? sa tagalog, laughs. but this is just idealism concerning love :) now if everything is like this in loveland, there will be no tears and no break ups, no misunderstandings nor divorces...i know, shall i say dream on, then? or does it exists? you tell me, laughs. oh well. let's hope so :>